(NI NOEL ABUEL)
MAGSASAGAWA ng public hearing ang Senado kaugnay ng usapin ng pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Course (ROTC).
Ayon kay Senador Win Gatchalian, base sa lumabas na survey ay marami nang Filipino ang sumusuporta sa panawagang ibalik ang ROTC sa buong bansa kung kaya’t nais nitong magsagawa ng public hearing sa Pebrero 20 upang madinig ang mas marami pang Pinoy.
“According to the Pulse Asia’s latest Ulat ng Bayan Survey conducted on December 14-21 last year, 1,440 of 1,800 respondents or 80 percent agree to the implementation of the ROTC either in senior high, in college, or in both. Meanwhile, 270 respondents or 15 percent do not want the program implemented, while the rest have no opinion on the issue,” sabi pa ni Gatchalian.
Ipinakikita rin umano sa nasabing survey na 34 porsiyento ang nais na iimplementa ang ROTC sa senior high school at sa kolehiyo habang 28 porsiyento naman ay nais ng gawin ito sa kolehiyo at 18 porsiyento naman sa senior high school.
“Mukhang malinaw naman na karamihan ng mga Pilipino ay pabor sa pagbabalik ng ROTC. Makakatulong ito sa character-building at pagdevelop ng disiplina sa ating mga kabataan,” sabi pa ng senador.
Kabilang sa inaasahang dadalo sa public hearing sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Benjamin Madrigal at iba pang matatataas na opisyales ng AFP gayundin sina Education Secretary Leonor Briones, at Commission on Higher Education chair Prospero de Vera, at University of the Philippines Vanguard Executive Director Robert Coscolluela.
Ayon pa kay Gatchalian, suportado nito ang pagbabalik ng ROTC dahil sa nakakatulong ito upang maitanim ang patriotism at disiplina sa mga kabataan.
“By instilling in our students a sense of patriotism and discipline, we are also unlocking their potential to become future leaders and training them to become productive members of society,” sabi pa nito.
258