PINAS MAGPAPAABOT NG TULONG SA INDIA

KUMBINSIDO ang Malakanyang na pinag-iisipan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang gagawin nitong hakbang para magpaabot ng maaaring maitulong ng Pilipinas sa bansang India.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, makikipag-ugnayan siya sa DFA kung anong tulong ang posibleng maipadala sa kaibigang bansa.

“Well, I’m sure po pinag-iisipan na iyan ng ating Department of Foreign Affairs kung paano rin tayo makakatulong sa India. Bagama’t ang India po ngayon ang biggest supplier of vaccines at iyan po talaga ngayon ang nakikitang solusyon para sa COVID-19,” ani Sec. Roque.

Nauna nang sinabi ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing na masama ang sitwasyon doon dahil sa COVID surge kung saan umabot sa milyon ang bagong kaso sa loob lamang ng linggong ito.

Aniya, mayroon din 20 Filipinos sa India na infected ng virus na ngayon ay naka-confine na at isolated. (CHRISTIAN DALE)

139

Related posts

Leave a Comment