DAILY ATTACK RATE SA PINAS MATAAS PA RIN

NANANATILING nasa high risk level ang daily attack rate ng COVID-19 sa bansa.

Ito’y dahil may 19 hanggang 55 bagong COVID-19 case kada 100,000 population.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque Roque ay kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa extension ng implementayson ng MECQ protocol sa Metro Manila at kalapit na lalawigan na kasama sa tinatawag na NCR Plus hanggang Mayo 14.

Ipinagbabawal sa mga lugar nasa ilalim ng MECQ ang mga non-essential trips habang pinapayagan naman ang non-essential businesses at services na mag-operate ‘partially.’

“The number of national and NCR COVID-19 cases is decreasing, but the average daily attack rate remains above high risk threshold,” ayon kay Sec. Roque.

Sinabi pa rin niya na habang ang health care at COVID-19 ICU bed utilizations sa National Capital Region ay nag-improve, karamihan naman sa lungsod ay nananatili sa 70%, na masasabing high risk level.

Magkagayon pa man, tiniyak nito sa publiko na ang sitwasyon na ito ay asahan nang mapabubuti dahil may 176 additional ICU COVID-19 beds ang inaasahan na magiging operational sa kalaunan.

Samantala, binanggit din ni Sec. Roque ang pagbubukas ng modular hospital sa Batangas Medical Center, na mayroong 10 ICU COVID-19 beds at 43 hospital rooms. (CHRISTIAN DALE)

175

Related posts

Leave a Comment