UPANG matiyak na tanging magagaling, matatino at kuwalipikado ang makapapasok sa Philippine National Police (PNP) ay magpapatupad ito ng bagong sistema sa kanilang recruitment.
Ayon kay PNP Chief P/General Guillermo Eleazar, inaprubahan ni National Police Commission (Napolcom) chairman at SILG Eduardo Año ang recruitment para sa karagdagang 17,314 policemen upang mapalakas ang kakayahan ng kapulisan sa bansa.
“Gaya ng ipinangako ko sa aking pag-upo bilang CPNP, gagamitan natin ng quick response o QR codes ang mga applications ng mga gustong magpulis. Walang pangalan o mukha, panay QR code, sa buong application process. Sa ganitong paraan ay hindi na uubra ang padrino system at tanging sariling credentials at kwalipikasyon ang magdadala sa ating mga aplikante.”
Sa bagong sistema ay “wala nang backer-backer”, ayon kay Gen. Eleazar.
Sa pahayag naman ni Napolcom Chairman Eduardo Año, layunin ng recruitment na mapalitan ang mga nawalang tauhan, nagretiro o namatay. Madagdagan ang personnel strength, enhance police visibility, at improve police-to-population ratio at peace and order condition sa operational areas na saklaw ng mga Police Regional Office (PROs) at National Support Units (NSUs).
Ang 1,000 regular recruitment quota ay ilalaan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa unang recruitment cycle, habang ang 16,314 attrition recruitment quota ay itatalaga sa regional offices. (JESSE KABEL)
500
