GUBAT SA CIUDAD BARANGAY CHAIRMAN SUSPENDIDO

NAGPASA ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod ng Caloocan at inirekomenda ang 60-araw na suspensyon sa chairman ng Barangay 171 dahil umano sa kabiguang ipatupad ang health protocol sa kontrobersyal na resort na Gubat sa Ciudad na nagbunga ng hindi kukulangin sa 20 karagdagang kaso ng COVID-19.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong administratibo si Barangay 171 Chairman Romeo Rivera dahil sa ilegal na operasyon ng Gubat sa Ciudad resort, kung saan nagkumpulan ang mahigit 500 panauhin sa kabila ng ipinatutupad pa noong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region at apat na kanugnog na lalawigan.

Ayon sa resolusyon, hindi nagampanan ni Rivera ang kanyang tungkulin bilang punong barangay sa gitna nang lantaran at patuloy na paglabag sa IATF Omnibus Guidelines na siyang ugat o nakadagdag sa spreader event noong Mayo 9, 2021.

Ipinasara na ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang nasabing resort at natunton na ng lokal na pamahalaan ang 217 sa mga panauhin ng ikinandadong resort. (ALAIN AJERO)

146

Related posts

Leave a Comment