ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Navy vice commander Rear Admiral Adeluis Bordado bilang Flag Officer in Command ng Philippine Navy.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, epektibo ito ngayon, Hunyo 9, 2021.
Si Bordado, miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1988, ang papalit kay Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, na bumaba na sa puwesto kahapon matapos maabot ang kanyang mandatory retirement age na 56.
Magsisilbi naman si Bordado sa kanyang bagong posisyon ng 15 buwan hanggang sa dumating ang kanyang mandatory retirement age.
Samantala, ilan sa mga naging assignments ni Bordado ay ang pagiging naval chief of staff, hepe ng Armed Forces of the Philippines Education, training and Doctrine Command at pinuno ng Naval Installation Command. (CHRISTIAN DALE)
