DUTERTE BOYKOT ULIT SA PEOPLE POWER ANNIV

power22

(NI LILIBETH JULIAN)

BOYKOT  muli.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Malacanang na may nakatakdang aktibidad si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Pebrero 25, sa mismong ika-33 taong Anibersaryo ng Edsa Peoples Power Revolution.

Sa inisyal na advisory ng Malacanang, nakasaad na alas-5:00 ng hapon sa Lunes, dadaluhan ni Pangulong Duterte ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas na gaganapin sa Metro Manila kaya tiyak na hindi ito dadalo sa Edsa 1 anniversary.

Base sa inilabas na programa ng National Historical Commission of the Philippines, magsisimula ang paggunita ng Edsa 1 anniversary sa ganap na alas-8:00 ng umaga.

Una nang sinabi ni Presdiential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na hindi sigurado kung dadalo ang Pangulo sa anibersaryo ng Edsa 1 pero may mga pahayag din itong kumpirmasyon na hindi nga dadalo rito ang Pangulo dahil sa dami ng trabaho nito na dapat nang gawin at tapusin.

Samantala, inulit muli ni Panelo na walang kaugnayan sa pamilya ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang hindi pagdalo rito ng Pangulo.

 

 

 

143

Related posts

Leave a Comment