MISYON Aksyon, pakiimbestigahan naman po ang mga kainan sa mga terminal ng bus na biyaheng Bicol at Bisaya sa Quezon. Napakalaki at grabe ang patong sa mga panindang pagkain na halos triple ang kanilang ipinapatong. Akalain mong ang isang order ng kanin ay P50 at ang ulam ay P50 rin na nakalagay sa maliit na platito na isandaan kung susumahin na ‘di makatao ang presyo.
Ang masakit po, mahal na nga kakarampot pa ang takal nila sa mga pasahero ngunit ang mga driver ay mga bundat dahil sa lahat ng ulam ay pwede silang mamili at may kasama pang tig-isang kaha ng si-garilyo, na ‘di po makatarungan ang sistema nila.
Misyon Aksyon, saan po ba dapat magreklamo? Ang isa pang nakakainis ay ‘yong CR nila na may bayad. ‘Di po bawal ito at una kumain kami siyempre kustomer dapat walang bayad kasi kasama ‘yon sa kanilang serbisyo?
Wala rin silang tubig kaya mapipilitan kang bumili ng mineral water sa malalaking restaurant na walang bayad ang CR at inumin. Sana mabigyan ng lokal na pamahalaan na sakop ng terminal ng bus na imonitor ang business permit kasi mas grabe ang singilan nila lalo sa gabi. Okay lang sana kung masarap ang kanilang pagkain lalo na po sa bayan ng Pagbilao, Quezon na Kamayan sa Kubo.
-Mr. Go ng Legazpi
oOo
Misyon Aksyon, grabe naman po ang ginawa ng manghuhula sa aking anak na direktang pinagbintangang nagnakaw ng cellphone. Kinumbida ng kapitbahay ang aking panganay na anak dahil sa piyesta at inalok silang kumain at nakauwi na kinabukasan.
Nang malaman ko tinanong ko ang aking anak kung totoo ang mga akusasyon at sa galit ko ay nabali ang aking pamalo sa kanya para lamang u-mamin. Ngunit pinagdiinan ng aking anak na hindi niya magagawa ang magnakaw nang hindi sa kaniya. Ano po ang dapat kong gawin, Misyon Aksyon? Kasi na-trauma ang aking anak lalo ay menor de edad pa siya. Iba ang resulta sa ginawa ng manghuhulang nagsabing ang anak ko ay may sala.
-Mr. E Bigayan
Tinatawagan ng pansin si Pagbilao Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic. Madam, pakiimbestigahan naman ang Kamayan sa Kubo na terminal ng bus na biyaheng Bicol kasi kung maningil daw ng pagkain ay halos triple na ang halaga. Kawawa naman po ang mga mananakay, sinasamantala nila kumo gutom, pikit-mata na lang nilang binabayaran. At kay Mr. Bigayan magsadya po kayo sa Women’s and Children Protection Desk o WCPD at magsampa kayo ng kaso laban sa mang-huhula dahil labag ‘yan sa RA 7610 at slander. (Misyon Aksyon / Arnel Petil)
oOo
Bukas po ang aking kolum para sa inyong pa-nig at kapaliwanagan tungkol sa problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG Homeowners at iba pa. Ang a-king cellphone numbers ay (smart) 09420874863 / 09755770656 email address: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.com http://misyonaksyon.blogspot.com
141