4 MOST WANTED PERSONS TIMBOG SA CALABARZON

LAGUNA – Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ang apat na most wanted persons regional level sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas at Quezon.

Nahuli makaraan ang ilang taong pagtatago ang suspek na si Michael Cabriga Gabiola na trabahador sa isang poultry, residente ng Brgy. San Diego, Zone 4, Tayabas City, Quezon matapos saksakin at mapatay ang biktimang si Fernando Alpon noong Agosto 8, 2015.

Nadakip nitong Martes ng tanghali si Cabriga sa San Roque Alaminos, Laguna dahil sa kasong murder. Tinagurian siya bilang top 4 regional level most wanted person sa Quezon.

Samantala, noong Hulyo 1, naaresto naman ng pulisya si Sandy Golloso, 52, isang real estate agent, tubong Alaminos, Laguna at residente ng Sto. Tomas City, Batangas.

Kabilang sa top 2 most wanted person si Golloso at may dalawang warrant of arrest na kasong murder na walang piyansa, at robbery with violence against or intimidation of persons na may inirekomendang P100,000 pyansa.

Tiklo rin noong Hunyo 25 ang ika-9 wanted person regional level na si Salvador Bio y Montero, ng Cabuyao City, Laguna dahil sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law of 1987.

Kasong murder at frustrated murder ang kinakaharap naman ng rank 1 regional level na most wanted person na si Raymart Noche y Kagindangan, construction worker ng Brgy. Paharang West, Batangas City. (CYRILL QUILO)

145

Related posts

Leave a Comment