KONGRESO TIGIL TRABAHO SA ECQ

TIGIL ang trabaho sa mababang kapulungan ng Kongreso sa sandaling isailalim na ang Metro Manila sa ECQ.

Sakop nito hindi lamang plenary session ng mga mambabatas kundi halos lahat ng tanggapan sa Batasan Pambansa.

Ito ang nilalaman ng memorandum na inilabas ni House secretary general Mark Llandro Mendoza base na rin umano sa kautusan ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Mula bukas, Agosto 5, ay tigil na ang trabaho sa tanggapan ng mga mambabatas at maging sa ibang opisina sa Kapulungan maliban sa ilang empleyado na kailangang mag-report lalo na para sa seguridad ng Kapulungan.

“Heightened restrictions being imposed due to the surge of COVID-19 cases, and for the health and safety of our House members and employees,” ayon sa inilabas na memo ni Mendoza.

Tiniyak naman nito na patuloy ang trabaho ng mga committee sa pamamagitan ng video conferencing na nauso na mula noong magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Nauna nang nag-anunsyo ang Senado na suspendido ang kanilang plenary sessions mula August 9 hanggang 11 dahil sa muling pagsailalim sa ECQ ng Metro Manila.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, nagkasundo ang mga senador na huwag munang magkaroon ng sesyon sa gitna ng ipinaiiral na protocol. (BERNARD TAGUINOD)

95

Related posts

Leave a Comment