HINDI pabor ang Local Government Units (LGUs) sa community pantry sa panahon ng ECQ sa National Capital Region (NCR) habang hinihintay ang ayuda na manggagaling sa pamahalaan.
Ang pangamba kasi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos ay baka ito pa ang pagmulan ng pagkahawa-hawa ng tao ng variants ng COVID-19.
“Well, alam ninyo ang problema kasi natin sa community pantry kung magpapapila ka tapos maging superspreader event eh siguro i-coordinate na lamang para maibahay-bahay na lang po ito.
As much as possible kasi ang purpose ng ECQ ay huwag talagang lumabas ng bahay eh,” ayon kay Abalos sa Laging Handa public briefing.
Mas makabubuti aniya na gumawa ng magandang sistema para maibigay sa tao ang tulong habang nasa 2-week ECQ ang Kalakhang Maynila. (CHRISTIAN DALE)
