(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI na ikinagulat ng isang opposition congressmang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na sangkot ang mga pulis sa ilegal na droga, extrajudicial killings (EJK) at pagtatanim ng ebidensya.
Gayunpaman, nalunggkot si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano dahil ang nasabing survey ng SWS noong Disyembre dahil pagkakakita ito na paliit na ng paliit ang tiwala ng publiko sa pambansang pulisya.
“Hindi kagulat-gulat ang resulta ng survey na ito dahil bukod sa pwedeng abusuhin ng mga otoridad ang Oplan Tokhang, ito ay isyung pangseguridad ng mga tao,” pahayag ni Alejano.
Base sa survey, 68% sa mga respodent ang naniniwalang sangkot ang kapulisan sa illegal drug trade, 68% ang naniniwalang sangkot ang mga pulis sa EJK at 57% naman ang nagsasabi na nagtatanim ang mga ito ng ebidensya.
Masamang pangitain umano ito nawawala ang tiwala ng taumbayan imbes na sila ang mangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.
“Kung nasisira ang mga demokratikong institusyon at proseso sa ilalim ng drug war ay lahat tayo ay magiging biktima rin. Wala na talagang safe. Oplan Tokhang has claimed thousands of lives especially the poor, destroyed democratic institutions and processes, twisted the concept of human rights, created a culture of impunity,” ayon pa sa kongresista.
Kasabay nito, hindi na aniya mahuhugasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dugo ng mga biktima ng EJK sa kanyang kamay matapos nitong animin sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines assembly sa Manila Hotel noong Martes na gabi na marami na itong napatay.
“Patay? Ah marami akong pinatay. Marami pa. Ngayon mag-umpisa ako,” banggit ng Pangulo sa kanyang talumpati na ayon kay Alejano na isa na naman itong pag-amin sa papel ng gobyerno sa pagpatay sa libu-libong Filipino na karamihan ay mahihirap sa giyera kontra ilegal na droga.
“Napakalupit ng ating gobyerno sa ating mga kababayan—na kahit hindi pa napatutunayan na nagkasala ay pinapatay agad—samantalang ang mga drug lords at supplier na nagpapasok ng droga sa bansa ay hindi maikulong. This is an accurate depiction of the ironic reality of the administration’s drug war,”ayon pa kay Alejano.
164