‘KAMPANYA LABAN SA DROGA DAPAT NANG BAGUHIN’

pdea300

(NI NICK ECHEVARRIA)

DAPAT nang magsagawa ng recalibration ang pamahahalaan sa kampanya nito laban sa ilegal na droga.

Ito ang binigyang-diin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Derrick Arnold C Carreon sa isinagawang Real Numbers Forum sa Camp Crame kaninang umaga (Feb 28) bilang reaksyon sa ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nasa pito hanggang walong milyon na ang mga durg users sa bansa.

Sinangayunan din ni Carreon ang bagong estimate ng Pangulo mula sa dating apatna milyung mga gumagamit ng droga.

Aminado si Carreon na may mas malawak na access at unlimited resources ang Pangulo pagdating sa intelligence network.

Gayunman ipinaliwanag nito na sa bagong numerong ipinalabas ng Pangulo, maaaring hindi nakasama sa unang estimate ang lahat ng mga gumagamit ng droga, kabilang ang mga occasional drug users o yung dating mga patikim-tikim lamang.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Carreon sa Dangerous Drugs Board (DDB) na siyang  may mandato sa ilalim ng batas na magkaroon   ng bagong survey para madetermina ang tamang bilang ng mga Drug users sa bansa.

Matatandaan na 2016 pa nang huling magsagawa ng survey ang DDB kung saan nasa isa’t kalahating milyon lamang ang kanilang naitalang drug users.

Sinabi ni Carreon na maaari ng i-recalibrate ng gobyerno ang kampanya nito kontra droga sa pamamagitan ng Rehabilitation at Reformation sa sandaling maisagawa na ang panibagong survey upang maging mas epektibo ito.

 

450

Related posts

Leave a Comment