ECQ o GCQ na lang paiiralin NO MORE MECQ SA METRO MANILA

(CHRISTIAN DALE)

HINDI na ilalagay sa moderate enhanced community quarantine o MECQ ang Kalakhang Maynila dahil magkakaroon na lamang ito ng 2 quarantine levels sa policy shift na inaasahan ng pamahalaan na makapipigil sa pagkalat ng COVID-19 habang gumagalaw naman ang business activity.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 pansamantala ang guidelines sa pilot implementation ng “alert level system” sa capital region.

“Sang-ayon po dito sa policy shift na gagawin natin, 2 na lang po ang ating quarantine classification. Ito po ang ECQ na ipapataw po ng IATF o di naman kaya ang GCQ,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Ang ECQ o enhanced community quarantine ay ang “strictest” sa 4 lockdown levels sa nagdaang set-up, habang ang GCQ o general community quarantine ang “second loosest.”

Ang GCQ restrictions ang bagong scheme na depende sa magiging alert level sa lungsod o munisipalidad.

Aniya ang highest alert level ay 4, kung saan ipinagbabawal ang mass gatherings, indoor dining, at personal care services.

“Pero pinaplantsa pa po talaga ‘yong detalye kung anong puwede sa alert level 4,” ayon kay Sec. Roque.

Idinagdag pa ni Sec. Roque na ang granular lockdowns ay mas magiging mahigpit kumpara sa dating bersyon dahil tanging ang health at allied medical professionals, iyong may mga emergencies, at outbound o returning OFWs lamang ang papayagan na makalabas ng kanilang bahay.

“Pati po mga taong gobyerno o ‘yong mga nagtatrabaho ‘pag kayo po ay nasa ilalim ng localized lockdown, hindi kayo pupuwede lumabas,” ani Sec. Roque.

Asahan naman ang mas detalyadong alituntunin ayon kay Sec. Roque.

Matatandaang, binawi ng pamahalaan ang naging deklarasyon nito na ibalik na sa GCQ ang Kalakhang Maynila noong Setyembre 8 at sa halip ay pinalawig ang pagpapatupad ng stricter modified ECQ hanggang Sept. 15.

135

Related posts

Leave a Comment