ISA sa mga natatangi at pinakamagandang golf course sa bansa ang HALLOW RIDGE FILIPINAS GOLF sa mapugad at malawak na burol ng Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna.
Ang 72 ektaryang golf course na may 18 holes ay dinesenyo ni Japanese Architect Seiichi Inoue noong 1962. Unang nakilala bilang TAT Filipinas, noong Hunyo 1, 2021 ay binigyan ito ng panibagong pangalan– HALLOW RIDGE FILIPINAS GOLF.
Ayon kay G. Erick San Juan, acting Relations Officer ng HALLOW RIDGE FILIPINAS GOLF, dahil sa pansamantalang tigil-operasyon ng mga golf course sa bansa bunsod ng paghihigpit ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic, tumutok sila sa pagpapaganda, pagsasaayos at paglilinis sa lahat ng kanilang mga pasilidad.
Nitong Agosto, matapos bahagyang luwagan ng pamahalaan ang restrictions, muling nagbukas ang HALLOW RIDGE FILIPINAS GOLF. Ngunit 50% capacity lang, o 100 hanggang 150 katao kada araw lamang ang pinapayagang makapasok. Sa kabila nito, masayang nagbalikan ang mga suki nilang Chinese, Japanese, Americans, European, at Pinoy golfers.
Tiniyak ni Edward Acejo, admin head ng HALLOW RIDGE FILIPINAS GOLF, sinusunod ng players at kanilang mga kasama ang ipinatutupad na health and safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing.
At para hindi magutom ang mga nagpupunta rito, mayroon Korean, Japanese at Pinoy restuarants na pagpipilian, bagama’t take-out lang muna ang pinapayagan.
Umaasa ang HALLOW RIDGE FILIPINAS GOLF management na sa pagluluwag ng restrictions sa CALABARZON, muling sisigla ang lugar, na kumpleto sa seguridad at tinitiyak na ligtas ng JMV Security Services sa pamumuno ni Capt. Mel Hallar at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng San Pedro City. (Joel O. Amongo)
