CARLO BIADO BINATI NG PALASYO

NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang kay Pinoy billiard player na si Carlo Biado sa pagbibigay karangalan sa bansa matapos magkampeyon sa 2021 US Open Pool Championships.

“We congratulate Carlo Biado for bringing pride and honor to the country by winning the 2021 US Open Pool Championship in Atlantic City,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Carlo is indeed a world-class billiards champion. President Rodrigo Roa Duterte personally conferred Carlo a presidential citation for winning a gold medal in the 29th Southeast Asian Games (SEAG) in 2017. Mabuhay ka, Carlo,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa ulat, makaraang inalat sa unang magkakasunod na racks, hindi pa rin sumuko ang Pinoy billiard player para magkampeyon sa 2021 US Open Pool Championships.

Tinalo ni Biado ang Singaporean professional pool player na si Aloysius Yapp sa score na 13-8.

Huling nanalo ang isang Pinoy sa US Open Pool Championship noong 2005 sa pamamagitan ni Filipino-Canadian Alex Pagulayan.

Pero bago ito, taong 1994 nang makuha ng billiard legend na si Efren “Bata” Reyes ang kampeyonato sa torneyo. (CHRISTIAN DALE)

264

Related posts

Leave a Comment