MARKINGS SA BAHAY NG COVID POSITIVE INALMAHAN NG CHR

HINDI pabor ang Commission on Human Rights (CHR) sa ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan sa paglalagay ng ‘yellow marking’ sa mga bahay ng pamilyang nahahawaan ng COVID-19.

Katwiran ng CHR, malinaw na paglabag sa karapatang pantao ang nasabing hakbang.

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, hindi na dapat lagyan ng marking ang isang bahay dahil nagdudulot lamang ito ng diskriminasyon sa komunidad.

Wala aniya itong pinagkaiba sa inilalagay na yellow marking sa mga bahay ng pinaghihinalaang drug pusher sa ilalim ng ‘war on drugs’ ng pamahalaan, sa  halip umanong lagyan ng yellow markings, ipinayo ng CHR ang mahigpit na pagmomonitor ng Barangay at mga lokal na pamahalaan sa mga pamilya na isinailalim sa granular lockdown.

Matatandaan na pinaboran naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, ang paglalagay ng ‘marking’ sa bahay ng pamilyang may positibo sa COVID-19. (LILY REYES)

137

Related posts

Leave a Comment