8 SPORTS CARS SILAT SA QC

WALONG mamahaling sports cars na pinaniniwalaang ipinuslit lang sa bansa ang kinumpiska ng Bureau of Customs sa isang pinagsanib na operasyon sa isang warehouse sa Quezon City.

Kasama ang mga kinatawan mula sa National Bureau of Investigation (NBI), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Coast Guard (PCG), sinalakay ng mga operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang isang malaking bodega sa kahabaan ng Scout Tuazon sa nasabing lungsod.

Agad na tumambad ang walong mamahaling sasakyang pawang walang plaka o conduction stickers, kabilang ang Lamborghini, Nissan GTR, Ferrari, Ford Shelby GT500, Mercedes Benz, Karosserie, Ford Raptor at Nissan Cefiro.

Bukod sa mga klasipikadong luxury vehicles, tumambad din sa operatiba ang pakay ng operasyon – ang P50-milyong halaga ng baryang ipiniit sa loob ng bodega.

Kasong paglabag naman sa Customs Modernization and Tariff Act at Money Laundering ang nakatakdang isampa sa may-ari ng mga sasakyan at sandamakmak na barya. Maging ang may-ari ng bodega, sasampahan din ng asunto, ayon sa isang pinag-isang pahayag ng mga ahensyang bahagi ng nasabing operasyon.

123

Related posts

Leave a Comment