(NI BERNARD TAGUINOD)
“ARBITRARY statistics results to arbitrary killings”.
Ganito ang pinangangambahan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaabot sa pito hanggang walong milyon ang drug addict ngayon sa bansa.
Ayon sa mambabatas, nakakatakot ang pagpapalobo ni Duterte sa bilang ng mga adik sa Pilipinas dahil mangangahulungan umano ito ng mas maraming pagpatay ang mangyayari.
“Proper statistics is important to ensure that action taken is properly measured and solutions, exact. Without these numbers to gauge the drug war, the number of drug users can arbitrarily be increased, which also increases the likelihood of more people, especially the poor, who will be arbitrarily killed,” ani Alejano.
Bago maging Pangulo si Duterte ay inirereport ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na 1.7 milyon ang tinatayang bilang ng mga drug addict sa bansa subalit inilagay ito ni Duterte sa 4 milyon noong 2016.
Gayunman, matapos ang halos tatlong taong giyera kontra ilegal na droga ay umaabot sa mahigit 20,000 ang napatay ng riding in tandem at mahigit 5,000 sa police operations, imbes na kumonti ang mga adik ay dumami pa ito base sa bagong pagtataya ni Duterte na umaagot na ang mga ito sa pito hanggang walong milyon.
Hindi lang umano maamin ni Duterte na bigo ito sa kanyang giyera kontra ilegal na droga dahil imbes na ang mga malalaking drug lord ang kaniyang puntriyahin ay ang mga maliliit at mahihirap na biktima ng sindikato ang kanyang binigyan ng atensyon.
“The drug war is losing steam and these false statistics is nothing, but an admission of its failure. Pawang pananakot lamang ito para hindi mapahiya ang numero unong polisiya ng administrasyong ito. In the end, fear, the engine that keeps the drug war running, will also be its undoing,” ayon pa kay Alejano.
Simula noong 2017 dalawang beses nang nagpasok ng malalaking shipments ng droga ang mga drug syndicate subalit hindi nakitaan ng galit dito si Duterte.
365