35-taong hustisya ‘LIFE’ SA PUMATAY SA LABOR LEADER

MAKALIPAS ang 35 taon ng paglilitis, hinatulan ng korte ang tatlong dating sundalong miyembro ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) para sa pamamaslang sa lider-obrerong si Rolando Olalia at kasamang Leonor Alay-ay sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Edre Olalia na tumatayong pangulo ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang iginawad na sintensiya ng Antipolo City Regional Trial Court kina Desiderio Perez, Dennis Jabatan, and Fernando Casanovas.

“Iko-confirm ko na a few seconds ago, guilty ‘yung tatlong akusado, guilty beyond reasonable doubt” ani Atty. Olalia na pinsan ng pinaslang na labor leader.

Bukod sa tatlong nahatulan ng korte, kabilang din sa mga sinampahan ng kaso kaugnay sa pagdukot at pagpatay kay Olalia noong Nobyembre 1986 sina Ambassador Eduardo Kapunan at iba pang opisyal ng militar.

Gayunpaman, napawalang-sala na si Kapunan taong 2016, habang siyam na iba pa ang hindi pa naaresto.

Kumbinsido naman ang NUPL na mabubulok na sa bilangguan ang tatlong dating sundalo kahit pa 1986 naganap ang krimen. Paliwanag niya, taong 2012 lang naaresto ang tatlong RAM members kaya naman sa tantya ng nasabing abogado – mayroon pang 31 taong ilalagi sa likod ng rehas ang mga sentensyado.

“They were arrested only in 2012, so that means to say that’s been only nine years. So, they will still have to spend 31 years at most,” saad ni Atty. Olalia.

Malugod namang tinanggap ng mga kaanak ng mga biktima ang hatol ng korte.

“It is with deep relief mixed with a tinge of frustration that we welcome the decision of the trial court convicting three of the accused in this long, drawn-out case of unspeakable murder and torture,” ayon pa sa pamilya Olalia, kasabay ng pahayag ng pag-asa sa ikadarakip ng siyam pang iba.

“On the one hand, others who were allegedly involved based on the disturbing testimonial evidence of the prosecution remain off the hook and are in our midst. Nine of those formally charged are still at large despite 35 years on the run.”

214

Related posts

Leave a Comment