SANGKOT SA DRUGS MONEY TUTUGISIN NG PDEA-AMLC

pdea1

(NI FRED SALCEDO)

PALALAWIGIN ng dalawang ahensya ang pagtugis sa mga sindikato ng iligal na droga sa bansa makaraang lagdaan ng Anti Money Laundering Council (AMLC) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang kasunduan na inaasahang sasawata sa aktibidad ng mga sindikato ng droga

Lumagda sa naturang kasunduan sina PDEA Director General Aaron N Aquino  at AMLC Executive Director Atty. Mel Georgie B. Racela na pormal na nilagdaan ang kasunduan Martes ng umaga sa PDEA National headquarters sa QC.

“Under the agreement both parties have expressed their desire to promote and encourage cooperation to effectively prevent, control, detect at imbestigahan dahil sa mga labag sa batas na aktibidad  sa ilalim ng Section 3nganti-Money Laundering Act (AMLA),” ani Aquino.

Nagkasundo rin ang dalawang ahensya para sa joint training na maaaring isagawa sa ilalim ng PDEA at AMLC para matiyak ang kooperasyon sa kanilang mga tauhan.

 

 

165

Related posts

Leave a Comment