3-M CONSTRUCTION WORKERS KAILANGAN NG GOBYERNO

PINOYWORKERS1

NANGANGAILANGAN  ng may tatlong milyong construction workers bilang karagdagang mangagawa para sa iba’t ibang proyekto sa ilalim ng  “Build, Build , Build” program ng gobyerno.

Ito ay para mapunan umano ang kakulangan sa may pitong milyong mangagawa na kakailanganin ng mga private companies para sa Build, Build, Build (BBB) infrastructure program ng Duterte administration.

Lumilitaw sa pagtataya ng Department of Trade and Industry (DTI) at Industry-Construction Industry Authority of the Philippines (CIAP) na humigit kumulang sa pitong milyong mangagawa ang kakailangnin sa pagsasakatuparan ng mga proyekto.

Sa pahayag ni  Research, Education and Institutional Development (REID) Foundation Vice President Ronilo M. Balbieran,  mangangailangan ang bansa ng nasa humigit kumulang pitong milyong construction workers.

Sinasabing binatay ito sa  kanilang construction road map,na higit na mas mataas kung ikumpara sa estimate ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa DOLE, tinatayang nasa isang milyon lamang ang kakailanganing bilang ng mga mangagawa para sa construction industry sa bansa.

Magugunitang ipinagmamalaki ng mga economic managers ng Duterte government na uunlad ang bansa at dadami ang trabaho oras nap ag-igtingin mag full blast ang construction industry bunsod ng build , build buil program ng gobyerno.

Sa ngayon ay apat na milyong construction workers pa lamang ang mayroon ang bansa, ayon kay Balbieran.

Mahalaga aniya na madagdagan pa ito lalo pa kung fully implemented na ang BBB program ng pamahalaan.

 

 

214

Related posts

Leave a Comment