IPINAGBABAWAL ang pagkolekta at pagbebenta ng shellfish mula sa mga karagatan ng Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal).
Gayundin mula sa mga karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; karagatan ng Biliran Island; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; karagatan ng Baroy sa Lanao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur dahil positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang nasabing lamang-dagat at nakakalason sa tao.
Ito ay ayon sa pinakabagong laboratory results ng pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Local Government Units (LGUs).
Lahat ng klaseng shellfish at acetes sp. o alamang na nakukuha mula sa nabanggit na mga lugar ay hindi ligtas kainin ng tao. (JOEL O. AMONGO)
