2 BATANG LIDER NG SINDIKATO, TIMBOG

ARESTADO sa Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang menor de edad na kapwa pinaniniwalaang lider ng kilabot na sindikato sa likod ng robbery hold-up at carnapping operations sa National Capital Region (NCR).

Sa isang operasyong inilunsad ng QCPD Station 14, na pinamumunuan ni Col. Jeffrey Bilaro, sa Camarin, Caloocan City narekober ang isang Toyota Ace utility van na inalarma bunsod ng reklamong inihain ng isang Jorrelyn Mirador na ninakawan ng kanyang sasakyan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Brigadier General Antonio Yarra, kapwa edad 17 ang arestadong mga lider umano ng Kulot robbery and carnapping group na pinaniniwalaang responsable sa serye ng pangangarnap ng mga sasakyan sa Pasay, Marikina, Caloocan at Quezon City.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (Anti-Carnapping Law) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Quezon City Prosecutors Office. (JOEL AMONGO/LILY REYES)

146

Related posts

Leave a Comment