Mula Nobyembre 24 hanggang Disyemre 3, 2021, ang Japan Foundation, Manila, Embassy of Italy kabilang ang Philippine Italian Association, Instituto Cervantes, British Council in the Philippines, Goethe-Institut, Embassy of France, at ang Film Development Council of the Philippines ay magpe-presenta ng ika-15 na edisyon ng International Silent Film Festival Manila. Ang festival sa taong ito ay magtatampok sa anim na classic silent films mula sa France, Germany, Italy, Japan, Spain at sa the United Kingdom, at siyam na short films na especially produced ng FDCP upang irepresenta ang Pilipinas, kabilang dito ang original musical scores mula sa local bands at musicians.
Ang programang ito ay screened online via FDCP Channel https://fdcpchannel.ph/
PAGBUBUKAS NG METROPOLITAN THEATER NG MAYNILA
Sa pagbibigay-pagkilala sa ika-15 kaarawan ng festival, magkakaroon ng isang opening ceremony sa Nobyembre 24 sa ganap na alas-4:30 ng hapon, sa newly renovated na Manila Metropolitan Theater, ang Manila’s architectural Art Deco gem na itinayo sa gitna ng Philippine “Silent era”. Ang invitational opening ceremony, na hosted ng Japan Foundation, Manila ay susundan sa ganap na ala-5:20 ng hapon kung saan screening ng Orochi (Serpent), isang 1925 action film ng Futagawa Buntar na magkakaroon ng live scored ng Munimuni band. Ito ay cine-concert sa pre-COVID style in-person ngunit mayroon pa ring health restrictions.
Maliban sa araw ng pagbubukas, ang programa nitong ika-15 na edisyon ng International Silent Film Festival Manila na kinabibilangan ng mga screening at international round table webinar ay magiging accessible online mula Nobyembre 25 hanggang sa Disyembre 3. Totoo sa pinakadiwa ng pagdiriwang, lahat ng silent films ay magkakaroon ng original music exclusively composed at performed ng local bands at musicians.
ANG BUONG ONLINE PROGRAM SA ISANG SULYAP
Sa Nobyembre 25, ganap na ala-3:00 ng hapon, ihahandog ng On Instituto Cervantes ang Carceleras (José Buchs, 1922), na susundan ng first panel discussion sa ganap na ala-5:00 ng hapon PM na sasaliksik sa temang: How To Watch A Silent Movie, tampok ang speakers na handog ng Spain, Italy, at Japan. Tatapusin ng Philippine-Italian Association ang araw sa gaganaping screening sa ala-7:00 ng gabi. ng silent film Pinocchio (1911) na idinerehe ni Giulio Antamoro.
Sa Nobyembre 26, ganap na alas-3:00 ng hapon, ang British Council sa bansa ay magpapalabas ng Dr. Wise on Influenza (1919) na kinomisyon ng Ministry of Health. Ang panel discussion sa ganap na ala-5:00 ng hapon ay tatalakay sa Restoration and Reinventions in Film Archives na handog ng speakers mula sa the United Kingdom, Germany, France at ng Pilipinas. Tatapusin ng Goethe-Institut Philippinen ang ikalawang araw sa pagpapalabas ng Das Wachsfigurenkabinett / The Waxworks (1924) na idinirehe ni Paul Leni at Leo Birinski.
Sa Nobyembre 27, alas-3:00 ng hapon ipalalabas ng Embassy of France ang The Foreman na susundan ng isang masterclass sa ganap na ala-5:00 ng hapon na sasaliksik sa History of Silent Films in the Philippines na presented ng speakers mula sa bansa. Sa ala-7:00 ng hapon, isasara ng Japan Foundation, Manila ang ikatlong araw sa screening ng Orochi (Serpent) (1925) sa direksyon ni Futagawa Buntar.
Mula Nobyembre 28 hanggang Nobyembre 30, ang lahat ng pelikula ay available “On-Demand” sa FDCP Channel.
Sa Disyembre 1 hanggang 3, nakalaan ito sa screening ng nine short films na produced ng kauna-unahang edisyon ng FDCP’s Mit Out Sound International Silent Film Competition. Siyam na Filipino filmmakers ang lumikha ng siyam na short silent films na nagre-representa sa bansa sa ISFFM sa taong ito. Ang shorts at filmmakers nito ay ang mga sumusunod:
“Ang Tatlong Hambog” ni Sari Katharyn
“Ing Tianak” ni EJ Gagui at Marienel Calma
“Alingasngas Ng Mga Kuliglig” ni Vahn Leinard C. Pascual
“Ang Pagsuyo sa Paru-Paro ng Gabi” ni Racquel De Guzman Morilla
“Dikit” ni Gabriela Serrano
“Ha-Ha-Hambog” ni Kate Torralba and Jopie Sanchez
“I Need More Than Tofu and Other Vegetables” ni Hector Barretto Calma
“Putol” (The Cut) ni Nikolas Red
“Ang Pagdadalaga Ng Dalagang Bukid” ni Jose Carlos Soliongco
Magtatapos ang festival sa isang closing night ng ISSFM2021, at ang awarding ceremony para sa best productions ng Mit Out Sound.
Ang 15th International Silent Film Festival Manila ay inorganisa ng Japan Foundation, Manila, Philippine Italian Association, Instituto Cervantes de Manila, Goethe-Institut, British Council in the Philippines, Embassy of France, at ng Film Development Council of the Philippines, sa pakikipagtulungan ng Embassy of Italy, Embassy of Japan, Embassy of Spain, Manila Metropolitan Theatre, National Commission on Culture and The Arts, Ortigas Cinemas, Absolut Mediem, Cineteca di Milano, CNC, Alliance Française, BFI, Filmoteca Española at Matsuda Film Productions.
Para sa iba pang impormasyon ng schedule at inquiries, sundan ito sa Facebook Page: www.facebook.com/
Embassy of Italy/Philippine-Italian Association
https://
The Japan Foundation, Manila http://www.jfmo.org.ph
Goethe-Institut Philippinen
Embassy of France
British Council
https://www.britishcouncil.ph/
Instituto Cervantes de Manila
Film Development Council of the Philippines
248