CALAMBA CITY – Pababa nang pababa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Calabarzon kung saan naitala lamang ang 917 na bilang, ayon sa inilabas na bagong tala ng Department of Health CHD 4-A noong Lunes.
Ayon sa ulat, nasa 190 na lamang ang bagong kaso ng coronavirus habang nakapagtala ng 215 na mga gumaling at 11 katao ang pumanaw.
Ang lalawigan ng Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na aktibong kaso na pumalo sa 266, sumunod ang Rizal na may 167; Quezon, 157; Batangas, 154; Laguna, 129, at Lucena City na may 44 na kaso.
Habang mayroong naitalang 83 bagong kaso sa Rizal, sa Batangas ay may 53; Quezon, 19; Cavite, 17; Laguna, 16, at Lucena, 2.
Bagama’t hindi pa nakapapasok ang Omicron variant sa bansa, puspusan pa rin ang paalala ng pamahalaan na mag-ingat at patuloy na sundin ang
health protocols. (CYRILL QUILO)
179