3 TULAK LAGLAG SA PNP-PRO5

TATLONG kalalakihang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa siyudad ng Naga ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operations ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo katuwang ang PDEA RO5.

Ayon sa isinumiteng report ng Naga City Police Office kay Bicol PNP chief, Gen. Estomo, unang nadakip sa ikinasang buy-bust operation si Rafael Pabilona Martinez, 28, residente ng Zone 7, San Rafael, Cararayan.

Pagsapit ng 6:50 ng gabi, arestado rin ang isang tricycle driver na si Edgardo Manago Reyes, 42, ng Zone 6, Brgy. Triangulo makaraang makumpiskahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu. Sinundan ito ng pagkakadampot sa isang grave digger na kinilalang si Ramil Mendoza Anago, 38, residente ng Zone 3, Panis Street, Concepcion, Pequeña, na nahulihan din ng droga.

Ang pagpupursige ng PNP-PRO5, sa pangunguna ni P/BGen. Estomo, ay patuloy ang pagkamit ng tagumpay sa kampanya kontra ilegal na droga. Patuloy rin nitong palalawigin at paiigtingin ang mga programa na naglalayong solusyunan ang problema sa droga. (JESSE KABEL)

191

Related posts

Leave a Comment