PINAS BUMIDA SA 35TH ASEAN CCC

PINANGUNAHAN ng bansang Pilipinas ang pagbu­bukas ng 35th Meeting ng ASEAN Coordinating Commit­tee on Customs (CCC), kasabay ng panawagan para sa isang mas malalim na ugnayan at palitan ng kaalaman, tekno­lohiya at impormasyon sa hanay ng mga kasaping bansa sa rehiyon.

Giit ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na tumatayong chairman ng ASEAN Director General, higit na kailangan ngayon sa timog silangang Asya ang pagtu­tulong-tulong para sa mas mabilis na pagbangon ng kalaka­lang sukdulang ilugmok bunsod ng pandemya.

Sa kanyang mensahe, binigyan din niya ng pagkilala ang pagtugon ng mga miyembro ng Customs Bureau mula sa mga bansang sakop ng ASEAN CCC sa sigasig, dedikasyon at pagsisikap na gampanan ang kani-kanilang tungkulin at responsibilidad para sa isang maayos na kalakalan.

“We would like to express our appreciation for your individual efforts, hard work, and perseverance in upholding your roles and responsibilities, to achieve the goals of the ASEAN Customs. The outcomes of the CCC are testament of our dedication to our mandate and service to our countries,” ani Guerrero.

Partikular din niyang pina­salamatan ang patuloy na suporta ng ASEAN Dialogue Partners, ASEAN Joint Business Councils, ASEAN Consultants, at maging ang walang humpay na tiyaga ng ASEAN Secretariat.

Paniwala rin ni Guerrero, hindi na magtatagal at muling babalik ang sigla sa kalakalang naantala ng pandemya. Aniya, muling kikilalanin bilang isang matibay na hanay ang ASEAN CCC na gagabay sa mga bansa sa Asya sa nakatakdang pagbuwelo ng ekonomiyang mas patatatagin pa ng isang mahigpit na ugnayan.

Hamon pa ni Guerrero sa mga delegado, makibahagi sa isang misyon para sa ikabubuti ng isang lahi at isang komunidad ng mga Asyano.
(BOY ANACTA)

144

Related posts

Leave a Comment