Para mapigilan hawaan sa COVID-19 NURSES ‘WAG PULIS IDEPLOY SA SCHOOLS

“OUR schools need nurses, not cops.” Ito ang pahayag ni ACT Party-list Rep. France Castro sa gitna ng paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa deployment ng mga pulis sa lahat ng colleges and universities pagbalik ng face-to-face classes simula Enero 2022.

Ayon sa mambabatas, hindi makatutulong ang presensya ng mga pulis sa mga eskuwelahan para makontrol ang paglaganap ng COVID-19 at sa halip ay magdudulot lamang ito ng intimidasyon sa mga mag-aaral.

Kaya na aniyang patakbuhin ng mga guro at school administrations ang kanilang eskwelahan para maging ligtas sa COVID-19 kaya walang dahilan para mangialam ang mga pulis.

“What the schools need are more nurses and adequate facilities to provide isolation areas, hand washing facilities and classrooms with adequate ventilation. Cops do not help stop the spread of the COVID-19 virus. They may even be carriers of the virus that would bring it inside schools,” ayon sa mambabatas.

Dapat igalang aniya ng gobyerno ang kalayaan sa mga eskuwelahan at hindi kailangang bantayan ang mga kabataan at mga guro ng security forces dahil magdudulot lamang ito ng takot sa sektor ng edukasyon.

“Delayed na nga ang muling pagbubukas ng mga paaralan at ngayon lang muling makalalabas ang mga kabataan mula sa matagal na pagkakakulong sa kanilang mga bahay dahil sa napakatagal na lockdown, pagdating sa kanilang mga paaralan ay binabantayan pa sila ng mga pulis na parang may ginawang kasalanan. Hindi ito ang ligtas na balik-paaralan na matagal nang panawagan ng ating mamamayan,” banggit pa ng lady solon.

Dahil dito, pinakokonsidera ng mambabatas ang plano ng PNP na mag-deploy ng puwersa sa mga eskuwelahan dahil hindi umano kailangan ang mga ito para makontrol ang COVID-19.

“Gusto yata pumasok ng mga pulis natin sa paaralan at mag-aral ng mga lesson dahil lagi-laging pinipilit nila ang mga sarili nila sa mga paaralan,” dagdag pa ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

150

Related posts

Leave a Comment