GORDON KAY PRRD: TIGILAN PAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS

TULAD sa mga nakalipas na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa kinukwestyong procurement ng COVID-19 supplies, sinimulan ni Senador Richard Gordon ang hearing nitong Martes sa pagbanat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinawag ni Gordon si Pangulong Duterte na author ng fake news.

“I PRAY FOR YOU, MR. DUTERTE. I pray for you dahil wala na kayong ginawa kundi magpakalat ng fake news. Kayo po ang author ng fake news,” saad ni Gordon sa kanyang opening speech.
“Tigilan nyo na iyan Mr. Duterte. Gawin nyo na lang ho ang trabaho ninyo imbis na pinagtatanggol nyo sila Michael Yang, isang Chinese national, habang tayo ay nasa gitna ng hidwaan sa pagitan ng Tsina. Tuta ho kayo ng China,” dagdag ng senador.

Iginiit pa nito na malaki ang nagagawa ng kanilang mga pagdinig upang makabuo ng mga makabuluhang batas.

“Mula ho noong simula ng pagdinig ay nalaman natin ang hinaing ng mga health care workers, at ngayon ho’y nilalathala ng inyong abang lingkod ng batas para sa mga benepisyo ng mga kumadrona, nurse, doktor, at iba pang medical frontliner,” diin ni Gordon.

“Kung hindi matutulungan ng Ehekutibo ang Senado ay wag na ho kayong maging Pang-gulo. Gawin ho ninyo ang inyong trabaho,” giit pa ng senador. (DANG SAMSON-GARCIA)

183

Related posts

Leave a Comment