(NI JEDI PIA REYES)
IBINABALA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsipa ng temperatura sa pinakamainit na antas dahil sa epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon kay Analiza Solis, ng Climate Information monitoring section ng PAGASA, maaaring umabot ng mahigit pa sa 40 degrees Celsius ang temperatura lalo na sa Northern Luzon.
“Base po sa forecast natin, we could get as high as or more than 40 degrees Celsius po [init ng panahon] lalo na sa areas ng Northern Luzon… Tuguegarao, Cagayan in particular,” ani Solis.
Bunsod ng inaasahang pagtindi ng temperatura, babantayan din ng PAGASA ang tinatawag na “human comfort index” o ang nararamdamang init ng tao.
Posible aniya kasing makapagpatindi pa ng init na mararamdaman ng tao dahil sa mataas na humidity o halumigmig.
Kasabay nito, binanggit ni Solis na mayruong 10 probinsya (anim sa Luzon at apat sa Mindanao) ang maaaring makaranas ng matinding tagtuyot sa mga susunod na buwan.
347