NCR ALERT LEVEL 3 HANGGANG JAN. 31

MANANATILI sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 16 hanggang 31, 2022 ang Kalakhang Maynila at 50 iba pang lugar.

Ito ay bunsod ng mataas na kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang ilang establisimyento ay papayagan mag-operate ng 30% indoor venue capacity subalit eksklusibo sa mga fully vaccinated at 50% outdoor venue capacity “as long as” ang mga empleyado ay fully vaccinated.

Ang in-person classes, contact sports, funfairs/perya, at casinos ay kabilang naman sa mga aktibidad at establisimyento na pinagbabawalan sa Alert Level 3.

Ang data mula sa independent monitoring group ay nagpapakita na ang average daily attack rate (ADAR) ng Metro Manila para sa COVID-19 ay tumaas ng 117.24% noong Enero 13 mula sa dating 111.80%.

Sinabi ng grupo na ang Metro Manila ay nasa ilalim ng “severe outbreak.”

Nitong Huwebes, nakapagtala ang Pilipinas ng panibagong record-high 34,021 na bagong COVID-19 cases, dahilan para pumalo ang kaso sa kabuuang 3,092,409. (CHRISTIAN DALE)

182

Related posts

Leave a Comment