WORLD CLASS MOLECULAR LABS ITATAYO SA QC – DEFENSOR

MAGTATAYO si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ng world class molecular diagnostic laboratories sa Quezon City para sa 2.94 million residente ng lungsod sa sandaling mahalal ito bilang mayor sa eleksyon sa Mayo.

“The residents of Quezon City deserve access to world-class automated testing services for diseases, and we are determined to give it to them,” ayon kay Defensor na tumatakbong Mayor ng Quezon City.

“We intend to put up at least three molecular testing labs – one each for the Quezon City General Hospital, the Novaliches District Hospital, and the Rosario Maclang Bautista General Hospital,” ayon pa sa mambabatas.

Ang nabanggit na mga pagamutan ay pinatatakbo ng QC government subalit walang molecular screening laboratories ang mga ito kaya pribadong kumpanya ang nagsusuri sa nakakalap nilang specimens mula sa mga pasyente.

Ang masaklap aniya, mistulang nahoholdap ang mga pasyente dahil nagbabayad ang mga ito ng mahal sa pagsusuri sa kanilang sakit at maging sa paggamot sa mga ito.

“We cannot have delays in patient diagnosis and treatment during a public health emergency,” ayon pa kay Defensor, kaya magtatayo ito ng molecular testing laboratories.

“They would be capable of detecting not only COVID-19 and the next pandemic virus, but also a wide range of diseases, such as multidrug-resistant tuberculosis, the human immunodeficiency virus (HIV), hepatitis, cervical cancer, breast cancer, bladder cancer, and meningitis,” dagdag pa nito. (BERNARD TAGUINOD)

147

Related posts

Leave a Comment