NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA PNP-PRO5, PHIL. ARMY

DETERMINADONG ipanalo ang kampanya laban sa insurhensya, ang buong pulisya ng PNP Bicol ay patuloy sa paglulunsad ng combat operation upang tugisin ang miyembro ng rebeldeng grupo at buwagin ang walang kabuluhang communist terrorist group.

Noong Pebrero 8,2021, dakong alas-5:30 ng umaga, isang kasapi ng CPP-NPA ang napaslang sa Brgy. Magsaysay, Esperanza, Masbate, kasunod ng ikinasang joint operation ng PNP-PRO5 at AFP Southern Luzon Command.

Ayon sa report mula, sa Masbate Police Provincial Office, habang nasa kalagitnaan ng operasyon ay nakasagupa ng mga pulis ang ‘di pa malamang bilang ng armadong grupo. Una umanong nagpaulan ng putok ang mga rebelde sa mga operatiba at agad namang nakadepensa ang mga ito.

Napilitang gumanti ng putok ang pinagsanib na puwersa ng Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company kasama ang Bravo Coy, 96 Infantry Battalion at Esperanza MPS.

Ang naturang engkwentro ay nagresulta sa pagkamatay ng isang ‘di pa nakilalang miyembro ng NPA.

Kaugnay ng kautusan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional director ng PRO5, mas pinaigting ng pulisya ang pagpapatrolya sa mga karatig lugar para sa posibleng pagkakahuli sa tumakas na mga rebelde. (JESSE KABEL)

118

Related posts

Leave a Comment