TATLONG kilo ng hinihinalang cocaine ang na-recover ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police matapos madiskubree ang mga paketeng palutang-lutang sa karagatang sakop ng Cagayan.
Batay sa ulat na ibinahagi ni PDEA Information Office chief, Director Derrick Carreon, nagresponde ang mga operatiba ng PDEA Region 2 katuwang ang mga tauhan ng PNP hinggil sa ulat mula sa mga mangingisda sa lugar na may mga kahina-hinalang bagay na lumulutang sa bahagi ng Abulug at Ballesteros.
Agad nagresponde ang mga awtoridad at nadiskubre ang tatlong kilo ng hinihilang cocaine na tinatayang P15 million ang street value, ayon kay Dir. Carreon. (JESSE KABEL)
290
