OFWs SA HK NA DINAPUAN NG COVID, HOMELESS PA RIN

Aksyon OFW

(KARUGTONG)

Good News!

Binabati ko muna ng ­congratulations ang AKOOFW party-list na pasok sa ­pinakahuling survey ng Publicus Asia. Ang tunay na partido na kumakatawan sa mga OFW at may pusong OFW.

Sa latest survey ng Publicus Asia nitong March 9-14, 2022 na may 1,500 respondents, ang AKOOFW na bagong lahok sa party-list system, ay nakapasok sa top 10 na pinagpipilian ng mga respondent na iboboto sa nalalapit na May 2022 elections.

Nakakuha ang AKOOFW ng 2.5% sa mga respondents na ang ibig sabihin may isang upuan na itong makukuha sa Kamara de Representantes.

Ang aking partner at kaibigan na si Dok Chie Umandap, first nominee ng AKOOFW party-list, ay todo pasasalamat sa inyong pagsuporta sa partido.

“Labis-labis ang ating pasa­salamat sa patuloy na pagtitiwala at pagsuporta ng ating mga kababayan sa tunay na party-list ng mga bagong bayani. Ang re­sulta ng Publicus survey at iba pang pinagkakatiwalaang survey firms ay ating inspirasyon para lalo pa nating paigtingin ang pangangampanya sa ating mga kababayan upang ipaunawa at ipalaganap ang ating mga adbokasiya para sa OFW at kanilang mga pamilya sa Pilipinas,” pahayag ni Dok Chie.

Sa latest survey naman ng Pulse Asia research’s Pulso ng Bayan pre-electoral survey nitong February 18 to 23, na may 2,400 respondents, pasok ang AKOOFW sa top 39 sa 60 partido na makakukuha ng tig-iisang seat sa Kongreso. May kabuuang 177 party-list groups ang naglalaban sa May 2022 polls.

Kaya naman, Congrats! ­Maraming salamat po sa inyong tiwala at pagmamahal sa AKOOFW party-list (#10 sa balota)!

Para sa inyong mga reklamo, komento, opinyon at suhestyon, mag-email lang sa dzrh21@gmail.com.

162

Related posts

Leave a Comment