LAGUNA –Tinukoy ng Police Regional Office 4A ang 30 election areas of concern sa Calabarzon.
Ayon kay Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Brig. Gen. Antonio Yarra, nasa 20 ang sakop ng yellow category na kinabibilangan ng limang lungsod at 18 bayan.
Kabilang naman sa yellow category ang tatlong lugar sa Cavite, isa sa Laguna at isa sa Batangas habang dalawa sa lalawigan ng Quezon
Ang nasa ilalim ng election “hotspots” ay mga lugar kung saan matindi ang labanan ng magkakatunggali sa pulitika, may mga armed group at maaaring may pananakot pa ng mga rebeldeng NPA.
Nasa yellow category naman ang mga bayan na napabilang sa ikalawang kategoryang orange o tinawag na immediate concern, habang ang ikatlo ay ang red category na may malalang kalagayan kung saan idineklara ng Comelec na ‘motu propio’.
Base sa nakaraang dalawang eleksyon, ang natukoy na “hotspots” ay siya pa ring mahigpit na binabantayan.
“Though at the moment, we haven’t yet identified areas under the red category, we are continuously working with our AFP counterparts and the Comelec 4A to determine whether there is no extreme threat in the entire region as the May election is fast approaching,” ayon kay Yarra.
Sinigurado naman ni Yarra sa publiko na ang buong pwersa ng pulisya ng PRO4-A ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya nang sa ganoon ay magkaroon ng ligtas, mapayapa at tapat na eleksyon. (CYRILL QUILO)
130