TULOY na ang Naoya Inoue vs Nonito Donaire 2.
Inihayag kahapon ang 12-round rematch sa Hunyo 7 sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan, kung saan taya ang mga korona ng dalawang kampeon, WBA/IBF ni Inoue at WBC ni Donaire, ayon sa boxingscene.com.
Nobyembre 2019 nag-harap sina Inoue (22-0, 19 KOs) at Donaire (42-6, 28KOs) sa World Boxing Super Series (WBSS) bantamweight tournament final, kung saan sa kabila ng fracture sa orbital bone sa paligid ng kanang mata, tinalo ni Inoue si Donaire via unanimous decision, 114-113, 117-109 at 116-111 at idagdag ang WBA belt sa kanyang IBF crown. Nagawa ring
mapatumba ng Japanese champion si Donaire sa 11th round buhat sa body shot.
Kasunod ng pagkatalo kay Inoue, dalawang beses pang lumaban at nanalo si Donaire, kung saan umiskor siya ng fourth-round knockout kay dating undefeated titlist Nordine Oubaali upang agawin ang WBC 118-lb belt, Mayo 29,
2021 sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.
Bunga nang nasabing panalo sa edad 38, si Donaire ang ‘oldest fighter’ sa professional boxing na nagwagi ng bantamweight title. Si Donaire rin ang pinakamatandang boksingerong nagwagi ng WBA belt sa edad 36 nang talunin si Ryan Burnett noong Nobyembre 2018.
Huling laban ni Donaire noong Disyembre sa Carson, California rin, kung saan napanatili ang WBC crown via fourth-round knockout sa kababayang si Reymart Gaballo.
Tatlong buwang nagpagaling si Inoue ng kanyang eye injury, at dahil din sa pandemya, noong Disyembre 2021 lamang muling nakalaban si Inoue at umiskor ng one-sided eight-round knockout sa ‘di kilalang si Aran Dipaen sa Kokigikan Arena sa Tokyo.
87