50th WIN NABAGAHE NG WARRIORS

PINALAKAS pa ng Gold­en State Warriors ang kapit sa ikatlong puwesto sa Western Conference, kasabay ng paghablot sa ika-50 panalo, matapos talunin ang Kings, 109-90 sa Sacramento, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila).

Sina Andrew Wiggins at Jordan Poole, may tig-25 at 22 puntos, ang umakay sa Warriors sa nasabing winning record.

Habang nagtala si Nemanja Bjelica ng season highs 19 points at 12 rebounds at six assists sa ikalawang sunod na panalo ng Golden State.

“We’re playing for ­seeding at this point and we really want to get as high as we can in the standings,” lahad ni Warriors coach Steve Kerr. “I don’t care how we got here, we got here. We’ve had all kinds of injuries and adversity. Our guys have stuck together and ­competed, and here we are.”

Si Harrison Barnes ay may 18 points at 10 rebounds para sa Kings, nasibak sa playoff contention sa NBA-record 16th consecutive season.

“I’ve been here the last two years and I can tell you in my opinion things are headed the right way,” wika ni Kings interim coach Alvin Gentry. “There’s some work to be done but everybody here is willing to put in the hours and put in the work and find a way to get the monkey off the back.”

Hindi rin nakatikim ng panalo ang Sacramento sa apat na laro kontra Golden State ngayong season.

Isang gabi matapos bumangon mula sa 21-point deficit para talunin ang Utah Jazz at hablutin ang playoff spot, laban sa Kings, kamuntik nang makawala sa Warriors ang W nang pakawalan ang malaking kalamangan.

Hinabol ng Sacramento ang 26 puntos at nagawang makadikit, 93-86 sa bandang dulo ng fourth quarter ka­sunod nang short jumper ni Damian Jones.

Pinasahan ni Draymond Green si Gary Payton Jr. para sa layup at sinundan ni Wiggins ng 3-pointer para sa Warriors.

Matapos umiskor ni Jones sa Kings, sinubuan ni Green si Jonathan Kuminga para sa dunk at humirit si Wiggins ng jumper.

Nagtapos si Kuminga na may 17 points.

“It was a huge weekend for us just getting back to playing our brand of basketball,” ani Green, natawagan ng ika-14 technical sa season. “It’s great to be back where we are. Now we have to continue to build and try to roll into these playoffs.”

Ang Warriors, wala sa lineup si Stephen Curry sa nalalabing regular season games sanhi ng left foot sprain, ay ipinahinga rin sina Klay Thompson, Otto Porter Jr. at Andre Iguodala sanhi ng back-to-back games.

Maging si Green ay may iniindang lower back injury, pero kinumbinsi ang coaching staff hayaan siyang lumaro sa magka­sunod na gabi.

“I need reps,” dagdag ni Green . “I felt good. They gave me the option to play so I took the option.”

‘DI SIXERS, REFEREE
NALO SA CAVS?

NAGTALA ng 112-108 pa­nalo ang Philadelphia 76ers sa Cleveland.

Pero inalmahan ni Cavaliers’ coach J.B. Bickerstaff ang officiating, kung saan umiskor si Joel Embiid ng 44 points at 20 beses natawagan para mag-free throws.

“That game was taken from us,” himutok ni Bickerstaff. “We deserved to win it.”

Nagdagdag pa si Embiid ng 17 rebounds, habang si James Harden, 21 points, 10 rebounds at 10 assists sa kanyang ikalawang triple-double sa pagkadena ng Sixers sa playoff spot.

Bagama’t kuwestyonable bago ang laro sanhi ng sore ankle, hindi lang lumaro ang 7-footer, dinomina rin ni Embiid ang stretch ng fourth quarter nang umiskor ng mahalagang 12 points.

Mayroon din siyang 17 free throws, five blocks, tatlong 3-pointers at three assists sa 38 minutong pagsalang para idagdag sa kanyang MVP resume.

Kaugnay ng usaping MVP, ayaw magpaapekto ni Embiid sa debate kung sino ang karapat-dapat para sa karangalan.

“If it happens, great,” ani Embiid. “If it doesn’t, I don’t know what I have to do. I’ll feel like they hate me. I feel like the standard for guys in Philly or for me is different than everyone else.”

Hindi kinukwestyon ni Bickerstaff ang husay ni Embiid o ni Harden, nadismaya lamang siya sa tinawag niyang ‘major discrepancy in fouls.’

Ang Cleveland ay natawagan ng 28 habang 19 laban sa Philadelphia sa mapisikal na laro.

“The one thing you can’t defend is the free throw line and that’s absurd,” dagdag ni Bickerstaff patungkol sa 42 attempted foul shots ng Sixers. “Our guys deserved way better than they got tonight.

Ang Cavs ay nasa ­seventh place sa Eastern Conference.

Nanguna si Darius Garland, 23 points, habang sina Caris LeVert at Lamar Stevens may tig-18 para sa Cavs, lumarong wala sa lineup sina 7-footers Evan Mobley at Jarrett Allen.

Nakadikit ang Cleveland, 107-106 at sa tingin ni Bickerstaff nakakuha ng foul si Garland kay Embiid nang magmintis ito sa layup, 15.2 seconds sa laro.

“Darius was fouled,” ani Bickerstaff. “He did his job and got to a spot and got fouled. No whistle.”

Sa huling 11.2 segundo, tatlong puntos lamang ang angat ng Sixers, 109-106, matapos ang free throws ni Harden, nang mag-error si Kevin Love sa inbound pass, naagaw ni Matisse Thybulle at kahit nakaupo ay nagawang maipasa ang bola kay Tobias Harris para selyuhan ang panalo ng Philadelphia.

Galing ang Sixers sa season-high 144-114 win kontra Charlotte, Sabado ng gabi, kung saan nagtala ng 21 3-pointers.

PELICANS SINIPA
NG CLIPPERS

NAGTALA si Marcus Morris Sr. ng 22 points, inilista naman ni Ivica Zubac ang kanyang 22nd double-double sa season (16 points at 14 rebounds) at pinigil ng Clippers ang New Orleans Pelicans na makakuha ng spot sa play-in tournament via 119-100 win sa Los ­Angeles.

Habang lumalaban ang Pelicans sa play-in spot, hinablot ng Clippers (39-40) ang eighth seed bunga ng nasabing panalo.

”I thought we ­addressed what we ­needed to. We took care of business,” lahad ni Paul George, may 15 points, seven assists at five rebounds sa kanyang ikatlong laro sa Clippers. ”I challenged the team’s first game back to shape into more of a playoff team. Overall, we’re starting to.”

Si Morris ay kumamada ng apat 3-pointers sa Clippers, na may 21-of-44 sa labas ng arko. Unang pagkakataon din sa franchise history nakapagtala ng at least 20 sa back-to-back games. Humugot ang Los Angeles ng 23 3s at franchise record (for points) sa itinalang 153-119 win kontra Milwaukee Bucks noong Biyernes.

Walong players ng Clippers ang may three-pointers, sa pangunguna ni George (5) habang may apat si Luke Kennard Jr.

Sa panig ng Pelicans, nanguna sina CJ ­Mc­Collum, 19 points, si Brandon Ingram 15 points, kung saan dahil sa pagkatalo, naputol ang three-game win run ng New Orleans.

Kung mananalo sa Martes laban sa Sacramento, makaka-secure ng
play-in spot ang Pelicans.

SAMANTALA, tuluyan nang naglaho ang tsansa ng Los Angeles Lakers na makahablot ng spot sa play-in tournament kasunod ng 129-118 kabiguan sa kamay ng Denver Nuggets; Namayani ang Miami Heat kontra Toronto Raptors, 114-109; Tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Phoenix Suns, 117-96; Wagi naman ang New York Knicks sa Orlando Magic, 118-88; Nagtala ang Minnesota Timberwolves ng 139-132 win laban sa ­Houston Rockets; 113-92 win naman ang itinala ng San Antonio Spurs sa Portland Trail Blazers.

Umiskor ang Boston Celtics ng 144-102 win sa Washington Wizards, habang ang Detroit Pistons wagi sa Indiana Pacers 121-117 at tinalo ng Dallas Mavericks ang Milwaukee Bucks, 118-112.

106

Related posts

Leave a Comment