FUTURE PANDEMIC PINAGHAHANDAAN NA – DEFENSOR

IKINATUWA ni Quezon City mayoral candidate Mike Defensor ang paglulunsas sa bagong national training and research hub para sa respiratory infectious disease, dahil paghahanda na aniya ito sa “future pandemic” tulad ng COVID-19.

Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos ang groundbreaking ceremony para sa kunstruksyon ng gusali para sa National Center for Respiratory Infectious Diseases sa Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City kahapon.

“There’s no question that the new center will further build up the LCP’s capacity to respond more aggressively to future pandemics,” ayon sa kinatawan ng Anakalusugan Party-list

Magugunitang pinangunahan ni Defensor ang pangangalap ng donasyon para sa mga karagdagang medical equipment at supplies para sa LCP at iba pang pribadong pagamutan sa Quezon City nang ideklara ng World Health Organization (WHO) ang pandemya sa COVID-19.

Sinabi ng mambabatas na kapag nahalal siya bilang mayor ng lungsod sa Mayo 9, palalakasin niya ang ugnayan ng health department ng LCP laban sa lung diseases tulad ng tuberculosis (TB). (BERNARD TAGUINOD)

182

Related posts

Leave a Comment