SA kauna-unahang pagkakataon sa larangan ng edukasyon, inilunsad ang isang kakaibang scholarship program na sadyang inilaan para sa mga mag-aaral mula sa hanay ng kabataan sa ika-limang distrito ng Quezon City – basta desidido, pasok.
Ayon kay leading congressional contender Rose Lin ng District 5 ng Quezon City, sadyang hindi na isinama sa mga panuntunan ng kanyang scholarship program na sumasaklaw mula pre-school hanggang kolehiyo ang maintaining average sa hangaring mas marami pang kabataan mula sa kanyang nasasakupang distrito ang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral.
“Para po sa akin ang edukasyon ang pinakamahalaga na maiiwan po natin sa mga anak natin. Kaya nag-focus po ako para sa edukasyon para sa lahat. Ibig sabihin po nito ay nagbaba kami ng mga financial assistance para sa mga kabataan dito sa Distrito 5 mula pre-school hanggang kolehiyo po,” pahayag ni Lin na isa ring negosyante.
“Ito po ay bukas para sa lahat. Ang kagandahan po nito ay wala po silang maintaining average na kailangang i-maintain dahil para po sa akin kung gusto po nating tulungan ang mga kabataan ay hindi po tayo magbabase sa average na makukuha nila sa paaralan kung hindi po titingnan natin ang kanilang pagsisikap at determinasyon na makapag-aral, makapagtapos at matulungan ang kanilang pamilya,” dagdag pa niya.
Paliwanag ni Lin, nais lamang niyang ibalik ang kabutihang loob na kanyang natanggap bilang isang scholar ng mga Augustinian priests.
“Bakit po ako nag-focus sa edukasyon? Dahil kung wala po ang scholarship na tinulong sa akin ng mga Agustinong pari ay hindi po ako makakapagtapos ng aking pag-aaral,” pahayag pa ni Lin.
“Kaya bilang pasasalamat po sa kanila, dahil alam ko sa sarili ko na ang utang na loob kailan man ay hindi ko kayang bayaran. Kaya ang pagbibigay ng tulong dito sa Distrito 5 na gustong makapag-aral ay binaba ko po ang financial assistance para sa kanila dahil gusto ko po na tulungan sila na makatayo rin at makatapos sa kanilang pag-aaral at gusto ko rin po na sundan nila ako o maging role model po ako sa kanila na ang kahirapan po kailan man ay hindi hadlang,” pagbibigay diin pa ni Lin.
Muli ay iginiit ng tinuring na bagong idolo ng masa na si Ate Rose Lin na: “Kung mayroon po tayong determinasyon, mayroon po tayong dreams and visions na gusto nating maabot sa ating sarili at lahat po ay posible. Kung tayo po ay magsikap, magtiyaga, disiplina sa sarili.” (FERNAN ANGELES)
125