PAMAMAHAGI NG TULONG NG PITMASTER FOUNDATION, TULOY-TULOY

UNTI-UNTI nang nakakabangon ang bansa mula sa pandemya.

Ngunit nariyan pa rin ang COVID-19 kaya ­ingat na ingat ang pamahalaan sa pagpapatupad ng iba’t ibang protocols.

Ang ilang organisasyon naman tulad ng Pitmaster Foundation ay tuloy-tuloy sa pamamahagi ng tulong.

Tunay na marami nang natutulungan ang grupo.

Kaya maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay aminadong malaki ang nagiging ambag ng Pitmaster sa COVID response ng gobyerno.

Kaya pinanindigan ng Presidente ang pasyang huwag suspendihin ang operasyon ng e-sabong o online cockfighting operations.

Pinapayagan o legal nga naman ito. Milyun-milyon din ang ibinibigay nitong buwis sa gobyerno kada buwan.

“That’s because e-sabong is legal. When we allow gambling, it’s legal. So you should ask: What has e-sabong done that there’s are killings, ­whether you like it or not,” wika ni Duterte.
Sabi nga ng Pangulo, kailangan ng pamahalaan ng pera.

“You might suspect me of something because I did not stop it. I did not stop it because the ­government needs the money from e-sabong,” anang Punong Ehekutibo.

Tulad nga ng nabanggit ko, nasa P640 milyon ang buwanang kita ng pamahalaan sa e-sabong.

“Where will we find that kind of money easily?” diin pa niya.

Hindi na raw dapat pinaaalalahanan ang Malacañang ukol sa e-sabong operations.

Well, tama nga naman dahil ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ang humahabol sa mga hindi nagbabayad ng buwis.

Una nang nagpadala ng rekomendasyon ang Senado sa Palasyo at maging sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na suspendihin ang e-sabong operations, bagay na ayaw ng Pangulo.

Nag-ugat ito sa imbestigasyon ukol sa pagkawala ng higit 30 cockfighters.

Habang nagtatalo ang ilang sektor, hindi naman tumitigil ang Pitmaster sa pamamahagi ng donasyon sa mga lokal na pamahalaan tulad ng ambulansiya at iba pa.

87

Related posts

Leave a Comment