CAVITE – Apat katao ang sugatan makaraang biglang umabante ang isang bus nang matapakan ng driver ang gas acceleration habang nakatayo ang mga ito sa harap ng sasakyan sa isang transport terminal sa Imus City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Wilson Kimpo Rotugal, 58; Arthur Henry Regis Apdo, 57; Lovely Mae Labra Durong, 21-anyos, at isang hindi pa nakikilalang biktima.
Habang ang driver ay kinilalang si Jonathan Señorin, 26, binata, ng Brgy. Binakayan, Kawit, Cavite.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilfred Guevarra ng Imus City Police, ini-start ni Señorin ang makina ng bus sa Imus transport terminal sa Brgy. Bayan Luma 2, Imus City dakong alas-9:00 ng gabi ngunit naka-segunda ang gear gayunman aksidenteng natapakan nito ang gas acceleration kaya umandar at umabante naging dahilan upang mabundol ang mga tao na noon ay nasa harapan ng sasakyan dahilan ng kanilang pagkakasugat.
Nabatid na positibo sa alcohol breath analyzer si Señorin.
Nagkaroon naman ng amicable settlement sa pagitan ng nasugatang mga
pasahero at driver ng bus at inako ng huli ang gastusin sa pagpapagamot ng mga ito sa ospital. (SIGFRED ADSUARA)
268