TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sambayanang Pilipino ngayong Easter Sunday na magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa at maging matatag at nagkakaisa sa journey o paglalakbay bilang tao.
Sa kanyang Easter Sunday message, sinabi ng Pangulong Duterte na ang mamamayang Pilipino ay nananatiling “strong and resilient” sa mga hamon na kinahaharap ng mga ito sa nakalipas na taon dahil “we hold firm to the promise of salvation as professed by Jesus Christ.”
“The fulfillment of the Resurrection of the Lord therefore gives us hope and courage to never falter no matter how overwhelming the odds seemingly are,” ayon sa Pangulo.
Dahil dito, hinikayat niya ang sambayanang Pilipino na maging “hopeful of better days” at ipagpatuloy na magtrabaho para sa masigla at maaliwalas na kinabukasan.
Ang Pasko ng Pagkabuhay, Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday, ayon sa Kristiyanismo, ay ang araw ng pagbangon ni Hesus mula sa kanyang kamatayan.
Ipinagdiriwang dito ang muling pagkabuhay ni Hesukristo sa ikatlong araw pagkatapos na ipako sa krus, gaya ng isinalaysay sa Bagong Tipan ng Bibliya.
Ito rin ay kilala bilang Easter Day, Easter Sunday, Resurrection Sunday, Glory Sunday o Holy Sunday. (CHRISTIAN DALE)
88