KAPAKANAN NG KONSYUMER, DAPAT UNAHIN

NAGING patunay na buhay ang diwa ng bayanihan sa sambayanang Pilipino dahil sa mga sakuna at pandemya, hindi man naging maganda ang mga epekto nito sa kanila.

Sa kabutihang palad, palagi namang naririyan ang suporta mula sa pamahalaan, non-profit organizations, pati na rin ng mga pribadong sektor, upang tayo ay makabangon sa mga epekto ng pandemya.

Isa sa mga kumpanya na kahit kailan ay hindi nagdalawang isip na tumulong ay ang Manila Electric Company (Meralco), dahil bukod sa ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente, testamento rin ang Meralco sa pagtulong nito sa mga customer at sa iba pang nangangailangan.

Kamakailan lang, ginawan ng paraan ng Meralco na hindi na lalong tumaas pa ang presyo ng kuryente sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ERC at gayundin sa power generators na ipagpaliban muna ang pangongolekta ng P1.2 bilyong generation charges na buong ibinabayad sa mga ito bilang taga-generate ng kuryente. Sa halip ay uutay-utayin ang pagbayad sa loob ng tatlong buwan upang maibsan ang epekto ng tumataas na power costs.

Patuloy rin ang Meralco sa pagbabalik sa pamamagitan ng Distribution Rate True-Up (DRTU), na katumbas ng P0.4684 na refund rate kada kWh para sa residential consumers.
Sa kabuuang ito, nauna nang ipinatupad ang pagbabalik ng P13.9 bilyong DRTU mula pa noong March 2021, samantalang ang natitirang P4.8 bilyon naman ay kasalukuyan ding ipatutupad sa loob ng 12 na buwan o hanggang maibalik nang buo ang nasabing halaga.

Patuloy rin ang Meralco sa pangangampanya sa energy efficiency, lalo sa panahon ng tag-init kung saan ang konsumo ng kuryente ay karaniwang tumataas ng 10 hanggang 40 porsyento.
Ayon sa Meralco PowerLab, inaasahang tataas ng 11 hanggang 23 porsyento ang konsumo ng cooling appliances sa bawat degree ng pagtaas ng temperatura, kumpara sa konsumo ng mga ito sa mga panahong hindi gaanong mainit.

Bukod sa energy efficiency campaign, gumawa rin ang Meralco ng Appliance Calculator na makikita sa Meralco mobile application kung saan makaka­kuha ng ideya ang mga customer kung gaano kalaki ang konsumo ng bawat gadget o appliance na gamit nila. Ang Meralco mobile app ay ­maaaring i-download sa iOS at Android devices.
Napakaraming mga bagay ang hindi natin kontrolado, ngunit may kakayahan pa rin tayo upang maibsan ito. Sa usapin ng kuryente, maaaring hindi natin kontrolado ang mga bagay na higit na makakaapekto sa presyo ng kuryente, ngunit makokontrol natin ang epekto nito sa pamamagitan ng pagiging matalino at masinop sa paggamit at pagkonsumo nito.
Samantala, habang patuloy ang negatibong epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado ay patuloy naman ang Meralco sa paghanap at pagsasagawa ng mga paraan upang maprotektahan ang mga konsyumer sa epekto nito.

98

Related posts

Leave a Comment