POEA NABIKTIMA NG FAKE NEWS

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani!

Nabiktima ng “fake news” ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos kumalat sa social media ang diumano’y lifting ng suspensyon sa deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia.

Nilagdaan diumano ni POEA administrator Bernard Olalia ang Advisory No. 69, series of 2022 na may petsang April 4, 2022.

Nakasaad sa diumano’y POEA advisory ang pag-alis ng suspensyon sa deployment ng OFWs kasunod ng clarification at assurance ng gobyerno ng Saudi Arabia thru the Royal Embassy of Kingdom of Saudi Arabia sa Pilipinas.

Agad namang tinawagan ni AKOOFW party-list 1st ­nominee Dok Chie Umandap si Administrator Olalia para kumpirmahin ang nasabing advisory at napatunayan niyang “fake news” nga ito.
Kamakailan, nanawagan kay DOLE Sec. Silvestre “Bebot” Bello III ang AKOOFW na i-lift na ang deployment ban sa Saudi Arabia dahil libu-libong OFWs na ang apektado ng nasabing kautusan.
Noong October 2021, ­ini-­rekomenda ni Sec. Bello kay Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon matapos mabigo ang ilang kompanya sa Saudi Arabia na mabayaran ang unpaid salaries at end-of service benefits na higit P5.1 billion sa 11-libong mang­gagawa.
Good news!

Mga kabayani, nakatakda na ang overseas absentee voting sa darating na April 10 hanggang Mayo 9, 2022 at ­abalang-abala na sa final ­testing at sealing ang iba’t ibang embahada ng Pilipinas sa buong mundo.

Ito na ang pagkakataon n’yo para i-exercise ang karapatan na pumili at magluklok ng mga lider ng ating bansa na magtataguyod sa proteksyon, kagalingan at interes ng mga bagong bayani at kanilang mga pamilya.

Sa datos ng Comelec, ­umabot sa 1,697,215 registered overseas Filipinos ang inaasahang boboto sa 2022 national elections.

Sa nasabing bilang, nasa 1,677,631 ang land-based ­voters habang 19,584 ang sea-based voters (seafarers).

Halos kalahati ng voters ay nakabase sa Middle East at African region na umabot sa 786,997, kasunod ang Asia Pacific Region na may 450,282 voters.

May 306,445 voters sa North and Latin American region, habang sa European region ay nasa 153,491 registered voters.

Karamihan sa mga bo­tante ay mga kababaihan na nasa 1,072,159 habang ang kalala­kihang botante ay 625,056 lamang.

Tandaan mga kabayani, ang iboboto n’yo lamang ay president, vice-president, sen­ators, at party-list representatives.

‘Wag kalimutan ang AKO­OFW party-list na tunay na partido ng mga OFW, at pusong OFW #10 sa balota.

Hangad natin ang matiwasay, mapayapa at walang dayaang eleksyon sa Mayo.

Para sa inyong sumbong, reaksyon, opinyon at suhestyon, mag-send lang sa dzrh21@gmail.com.

98

Related posts

Leave a Comment