DOJ SINISI SA AGRI-SMUGGLING

PINUNTIRYA ng sisi ng isang kongresista ang Department of Justice (DOJ) sa kabiguan ng pamahalaang pigilan at panagutin ang mga malalaking sindikato sa likod ng agricultural smuggling sa bansa.

Sa pagdinig ng Kamara, hayagang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na malabnaw ang suporta ng DOJ sa kampanya kontra smuggling. Patunay pa aniya nito ay ang kabiguan ng nasabing kagawaran na gamitin ang kakayahan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng naturang departamento sa pag-iimbestiga, pagtukoy at karampatang pagsasampa ng kasong kriminal batay sa mga ebidensyang kalakip ng pagsisiyasat.

“I am disappointed in the Department of Justice that it does not use the efforts of the NBI enough,” ani Salceda kasabay ng hamon na magprisinta ng datos at buhay na patunay na may agri-smuggler na nakulong gamit ang Republic Act 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act).

Para kay Salceda na tumatayong chairman ng committee on ways and means sa Mababang Kapulungan, malaking kasalanan ang agr-smuggling na aniya’y pumapatay sa sektor ng mga magbubukid at mangingisda.

“Large scale agricultural smuggling is the single gravest sin to Philippine society today,” sambit pa ng kongresista kasabay ng panawagan para sa mahigpit na implementasyon ng isang probisyon sa ilalim ng RA 10845 kung saan sinasabing maaaring kasuhan ng economic sabotage ang mga bigtime smugglers.

Aniya pa, wala pa siyang alam na smuggler na kinasuhan ng economic sabotage.

“I am the father of the National Prosecution Service, having been the first Budget Chairman to provide its needed financial requirements during the time of PGMA. I am disappointed that those resources are not being optimized to pursue these cases.”

Panawagan pa ni Salceda, huwag iasa sa Bureau of Customs ang pagsasampa ng kaso. (BERNARD TAGUINOD)

94

Related posts

Leave a Comment