BATA pa lamang ang aktor na si Arjo Atayde ay tumutulong na sa mga mahihirap.
Namana niya ito sa kanyang mga magulang.
Kilala silang may lifelong commitment sa komunidad.
Si Atayde ay tumatakbo ngayon bilang kongresista sa District 1 ng Quezon City.
Noon pa raw ay gusto nang maging bahagi ni Atayde sa paglaban sa katiwalian o corruption sa gobyerno.
Hindi man daw siya magiging kinatawan ng Pilipinas, maaari naman siyang magsalita bilang kinatawan ng kanilang distrito.
Itinanggi niya na ang tsismis na ang “ABS-CBN shutdown” ang dahilan kaya siya kumakandidato ngayon.
Ang gusto lang naman daw niyang gawin ay tumulong sa tao at komunidad.
Alam na raw niya ang kanyang pinasok.
Kung papalarin, gagawin daw niya ang lahat para maibigay ang expectations ng mga tao, at siyempre, ang kanyang inilalatag na plataporma.
Hindi raw siya tumatakbo o nagpapasikat lang.
Sa palagay raw niya, wala namang masamang tumulong sa malinis o tunay na paraan.
Bagong pamamahala raw ang ibibigay niya sa tao.
Titiyakin ni Atayde na matutupad ang mga sinasabi niya sakaling manalo siya.
Ibig sabihin, dapat ibahin siya.
Hindi “lip service” ang dala ng mamang ito.
Nasanay na raw kasi ang mga tao na kapag nangangako ang isang pulitiko ay bihira namang natutupad.
Isa raw sa mga tututukan at gagawin niya ay ang maayos na internet connectivity sa lugar nila, lalo na ang mga mahihina ang signal para makapag-aral nang mabuti ang mga bata.
Mahalaga rin daw na magkaroon ng maraming job opportunities sa digital economy.
Nakahanay si Atayde sa “Team Aksyon Agad” ni Mayor Maria Josefina “Joy” Belmonte.
Aba’y halos lahat ng kandidato ng lokal na partido ni Belmonte ay iboboto ng mga residente ng lungsod.
Ito ang napag-alaman sa pag-aaral o independent at non-commissioned survey ng RP Mission and Development Incorporated (RPMD).
Siyempre, si Belmonte pa rin ang napupusuang maging punong-lungsod ng mga botante na “unbeatable” pa rin ang rekord na ipinakita matapos makapagtala ng 67 percent ng respondents.
Patuloy naman ang pagdausdos ng rating ng kanyang katunggaling si dating Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor na nakakuha ng 25 percent lamang.
Tulad ng inaasahan, naka-uungos pa rin ang anak ni vice presidential aspirant Senate President Tito Sotto na si incumbent at re-electionist Gian Sotto makaraang makasungkit ng 51 percent kumpara sa 48 percent ni dating konsehal Winnie Castelo.
Ang mga respondents daw ay random na pinili at tinanong, “Kung ang halalan ay gaganapin ngayon, sino ang iboboto mong Mayor/Vice Mayor/Congressman?”
Sabi ko nga, nangunguna rin si Atayde.
Ganyan siya kamahal ng kanyang constituents.
Aba’y nakasungkit si Atayde ng 58 percent vote lead laban kay Cong. Onyx Crisologo na nakatanggap ng 40 porsiyento.
Malayo-layo ang agwat nila.
Panalo kasi talaga si Atayde sa puso ng kanyang distrito.
Kahit saang anggulo mo kasi titingnan, talagang hinog na para maging kongresista si Atayde.
Mabuhay po kayo, Lodi Cong. Arjo Atayde, at God bless!
106