INQUIRY SA WATER SHORTAGE GUGULONG NA SA KAMARA

water12

(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY EDD CASTRO)

SISIMULAN na ng House of Representatives sa Lunes, Marso 18, ang imbestigasyon sa ugat ng  nararanasang krisis sa tubig.

Pangungunahan ng House Committees on Metro Manila Development ni Quezon City Rep. Winnie Castelo at Housing and Urban Development chairman Alfredo Benitez ang gagawing joint hearing.

Ayon kay Castelo, gagamitin ng Kamara ang oversight function nito para protektahan ang kapakanan at interes ng publiko.

Ani Castelo tutukuyin sa gagawing House Inquiry  kung bakit may krisis, ano ang mga dapat gawin at hanggang kailan ito.

Layon din na alamin ang impact sa mga consumers ng pagkawala ng tubig at aalamin din ang kalidad ng sinu-supply na tubig ng mga water concessionaires.

Kabilamg sa inaasahang dadalo sa imbestigasyon ng Kamara ang mga kinatawan ng Maynilad, Manila Water at mga opisyal ng ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa pagtiyak ng maayos na supply tubig.

394

Related posts

Leave a Comment