TUMATAGINTING na P1 bilyong piso ang pinakawalan ng Department of Budget and Management (DBM), sa hangaring tugunan ang naantalang benepisyong para sa mga medical frontliners na tinamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Kabilang sa mga napipintong mabiyayaan sa pondong inilagak sa Department of Health (DOH) ang nasa 500,000 healthcare workers mula sa mga pribado at pampublikong pasilidad at maging yaong mga non-HCWs tulad ng mga janitor, tsuper ng ambulansya at iba pang itinalagang frontliners.
Sa probisyong kalakip ng naturang pondo, P15,000 ang nakatakdang tanggapin ng mga medical frontliners na nakaranas ng mild o moderate COVID-19, habang P100,000 naman para sa mga tinamaan ng severe infection.
Para naman sa mga nasawi bunsod ng COVID-19, Pisang milyon naman ang inilaan ng pamahalaan para sa mga naulila.
Una nang nagbitaw ng P7.92 bilyong ang DBM para naman sa “One COVID-19 Allowance” ng mga FCWs. (CHRISTIAN DALE)
